Lumipad na hanggang Hong Kong ang away ng magkapatid na Barretto
International na ang sagupaan ng magkapatid na Barretto. Sa south China Post online edition ay umabot na ang tungkol sa bangayan ng tatlong magkapatid, naka base ito sa Hong Kong at isinulat ng Filipino writer na si Allan Robles. Nakalagay din doon ang pagkabigo ng Pangulong Rodrigo Duterte na pag-ayusin ang tatlong magkapatid na Barretto. Nag liyab muli ang kanilang pag-aaway sa mismong burol pa ng kanilang ama.
Malalim na ang ugat ng kanilang hindi pagkaka-intindihan at malayo na din ang narating nito, "international" na. Nakuhanan na ng exclusive interview ang dalawa sa tatlong magkapatid, Si Claudine ay na interview sa isang radio lrogram, si Marjorie naman ay nainterview ni Karen Davila, maging si Atong Ang ay kay Noli de Castro. Itong si Greychen na lang ang hindi pa nakuhanan ng kanyang panig tungkol sa isyu.
Maaaring sa kanyang pagbalik galing San Francisco, California, USA ay mainterview na rin ito. Malaki ang posibilidad na sa interview kay Greta ay may malaking mga pasabog talaga ito. Inaasahan ng kanyang long time friend na si Boy Abunda na magbibigay ito ng isang exclusive interview.
Bakit umabot ng ganito katagal ang kanilang away? maaayos pa ba nila ito? sana maayos na nila.
0 Comments