Isang magandang asong gala ang nasagip sa Victoria, Australia kamakailan lang. Matapos ay ipnina-DNA test agad ito. Laking gulat na lang nito noong lumabas na ang resulta ng DNA test dahil napag-alaman na hindi lang ito isang simpleng asong gala.
Ayon sa balita ay nakita ang aso sa labas ng bahay sa Wandilidong, kinuha nila ito sa pag-aakalang ito ay inabanduna na at kanilang pinangalanang "Wandi." Pero natuklasan sa DNA test ng aso ay isa pala itong pure bred na alpine dingo, isang pambihirang lahi ng "wild dog."
“He is going to be a very valuable little thing, depending on his eventual development, and the way he continues to get along with everybody else in the sanctuary,” ayon sa director ng Australian Dingo Foundation na si Lyn Watson.
Hindi pa tukoy kung saan talaga nanggaling itong pambihirang aso at kung papaano siya napunta sa lugar kung saan siya natagpuan.
Binabalak ng Australian Dingo Foundation na gamitin si "Wandi" sa kanilang breeding program.
0 Comments