PAALALA SA MGA GUMAGAMIT NG ATM: Mga hakbang na dapat gawin kapag nag-withdraw sa ATM at nakaltasan kayo sa inyong balance pero wala naman lumabas na pera sa machine

PAALALA SA MGA GUMAGAMIT NG ATM: Mga hakbang na dapat gawin kapag nag-withdraw sa ATM at nakaltasan kayo sa inyong balance pero wala naman lumabas na pera sa machine


Naranasan niyo na ba na mag-withdraw sa ATM ng pera at walang lumabas na pera ngunit ito ay kinaltas sa iyong account balance? Basahin ang mga payo mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas. Nakaranas ka man o hindi ay mas mainam na rin alamin ang mga dapat gawin.


• Dapat alamin ang lokasyon ng naturang ATM at iba-pang impormasyon sa inyong transaksyon, maging ang petsa at oras dapat isulat din.

• Huwag kalimutan itago ang resibo ng naging transaksyon, kunan ng larawan o ipa-photocopy. Dahil minsan ang mga resibo ay madaling nabubura.

• Ipagbigay alam sa kinauukulan. Tumawag sa inyong banko at ipagbigay alam ang tungkol sa pangyayari. (Huwag mataranta upang mai-detalye ninyo ito ng mabuti)


• Magsampa ng pormal na reklamo. Kapag hindi agad na aksyunan ang nangyaring insidente o hindi agad naibalik ang nakaltas na pera sa inyong account ay dapat agad na magpadala ng sulat sa bangko tungkol sa inyong reklamo, isama na rin ang mga mahahalagang dokumento katulad ng resibo bilang patunay.

• Kapag wala pa rin aksyon ay maaari niyo ito ideretso sa Bangko Sentral ng Pilipinas ang reklamo. Idetalye ng maayos at dapat huwag kalimutan ang mga mahahalagang dokumento.

Post a Comment

0 Comments