Pamasko ni Yorme Isko Moreno sa mga Arranque vendor

Matapos magpatawag ng dialog ay nabigyan muli ng pag-asa ang mga vendor sa Arranque Market sa lungsod ng Maynila.

Mga alas 3:30 na ng hapon pinapasok ang mga vendor ng Bulwagang Katipunan upang makausap ang mga ito at mapagsabihan. Dahil ngayon, may gobyerno na ang naturang lungsod.


Sa isinagawang inspeksyon, nakita ng mga otoridad ang maruming palengke at noong tiningnan ang franchise nito ay napag-alaman na expired na umano ito. Kaya tuloy pinaalis ang mga vendor sa nasabing lugar.

Sa pamamalakad ni Mayor Isko ay walang pabor-pabor system. Lahat ay pantay at hinahanapan nito ng solusyon upang makabalik ang mga nagtitinda at mabuksan na ang palengke.


Wala naman masama sa pagtinda doon pero dapat sila sumunod sa pamahalaang lokal kung gusto nila ng maayos silang makapaghanap-buhay.

Maging malinis lang sila sa paligid at tamang pagtapon ng mga basura ay tiyak wala silang magiging problema. Pinapayagan silang magtinda basta ang daan para sa mga motorista ay huwag nilang sakupin.
Sumunod lang sa "maayos na systema para walang problema"