Patok na patok ngayon ang tambalang Rita Daniela at Ken Chan sa mga mamamayang pinoy. Papaano kasi, nakaka kilig ang dalawa on cam. Maganda ang kanilang chemistry, na parang pinag halong hydrogen at oxygen ang dating.

Kaya naman hindi naiiwasan ng mga fan nila ang pag abang sa totoong status nila ni Ken. Kahit acting o hosting ay parang totohanan talaga ang pagtitinginan nila. Ramdam mo na may halong totohanan na.


Pero nilinaw naman ito ni Rita sa isang panayam sa kanya kamakailan lamang. "Sana po kung ano man 'yung meron kami ni Ken, sana maging masaya na rin po kayo sa amin. Nage-gets ko po 'yun, naiintindihan ko po sila kasi I'm still a fan. And ganoon din naman ako noon, nu'ng meron akong finollow (follow) na love team," saad niya sa panayam ng showbiz press.


"Siyempre umaasa pa rin ako na it would be... I know the feeling, I understand their feeling that it feels nice and it feels great kung 'yung pinanonood mo, nagkatuluyan sila sa totoong buhay," dagdag pa ni Rita.
So as of now ay friends lang talaga sila ni Ken. But hindi nawawala ang posibilidad na maging sila.


"Minsan naiisip namin, pinag-uusapan namin 'yan ni Ken, hindi ko sasabihing hindi. Kasi alam namin 'yun eh, aware kami kasi kapag love team, kayo palaging magkasama eh. You do intimate scenes together, kung ano 'yung usual na ginagawa ng partners."

"But we're not partners in real life," pagtatapat ni Rita.