Sa mga baryo sa pilipinas ay natural na ang mga galang aso. Hindi naman sinasabing tolerated ang may mga pakawalang askal pero sa mga nag daang panahon ay may mga makikita at makikita ka talagang pagala-gala na aso sa kalye.
Madalas ay proteksyon ang mga ito sa mga magnanakaw at mapang abuso. Ang aso kasi kahit gala yan basta inaalagaan at trinatrato ng maayos ay tiyak ikaw ay proprotektahan bilang kapalit ng magandang trato sa kanila.
Asong nag-tatalik sa isang kalye sa Nueva Viscaya ay naispatan ng isang residente na sinabuyan ng diumanoy nakilalang tao. Nakaka-awa ang sinapit ng hayop. Well, sa pangyayaring ito medyo naguluhan ako.
Sino nga ba ang totoong hayop? Ang nag saboy o ang sinabuyan?
Lagas na lagas ang balahibo ng aso dala ng pag saboy ng kumukulong tubig. Bagamat inaalam pa ang pagkakakilanlan ng salarin, pinag-aaralan na ng mga naka saksing kapitbahay ang pagsasampa ng reklamo.
0 Comments