Mahalin at panatilihing malinis ang Maynila

Mahalin at panatilihing malinis ang Maynila

Sa ngayon ay nasa proseso pa rin patungo sa malinis at maayos na Maynila. Pero nakakalungkot lang dahil sa kabila nito ay may mga mamamayan pa rin ang nakakadismaya ang asal. Tila ayaw ng maayos na bayan.


Kung dati ay maraming tumpok na basura ang makikita sa karamihan ng lugar sa Maynila  ngayon ay malinis na. Pero, meron pa rin ibang mga lugar na pasaway talaga ang mga tao. Ngunit walang kawala ang mga ito.  Araw man o gabi ay sinisilip ni Yorme Isko Moreno ang mga lugar-lugar sa Maynila, kaya't nabibigyan agad ng leksyon ang mga ayaw sumunod.

Wala naman ibang hinihingi ang pamahalaan ng lungsod kundi ay malasakit para sa siyudad, panatilihin ang kaayusan  at kalinisan sa lugar na nasasakupan. Kaso marami pa rin ang matitigas ang ulo.


Katulad ng ibang mga vendor na pinagbigyan na nga magtinda kaso hindi binigyan ng halaga ang pribilehiyong binigay sa kanila. Asal baboy pa rin, kaya't upang mag tanda ay binawi ang pribilehiyong iyon upang mag silbing aral para sa lahat.

Post a Comment

0 Comments