Taga pitas ng mais noon, may-ari na ng hektaryang maisan ngayon

Taga pitas ng mais noon, may-ari na ng hektaryang maisan ngayon

Lumaki si Mauriño Bayad sa isang mahirap na pamilya sa Andangan, Isabela. Ibat-ibang trabaho ang kanyang pinasok matustusan lang ang pang araw-araw na pangangailangan. Mula sa pagpitas ng mais hanggang sa pagtrabaho sa fastfood chain ay kanyang ginawa.

   (Photo: Credit to Kapuso Mo Jessica Sojo)

Nag trabaho din siya bilang "Marketer" na siyang tagabigay ng mga flyers ng Korean review center. “Yung pera nga pong yun na kinikita namin sa maghapon, pinagbabayad na lang ng utang namin sa tindahan,” sabi ni Niño.

Paliwanag pa niya, “Ang nanay ko po…tindera at ang tatay ko po (since I could remember), paralisado na po siya”.

   (Photo: Credit to Kapuso Mo Jessica Sojo)

Hanggang sa naisipan na niya na mag trabaho na rin sa Korea, kaya't inenroll niya ang sarili sa Korean language center at mapalad naman na nagkaroon siya ng chansang makapag trabaho bilang factory worker ng isa at kalahating taon. “Unang araw pa lang po sa amo ko, naiiyak na 'ko, dahil gusto ko na pong umuwi at na-homesick na po kaagad ako,” sabi ni Niño.

Hirap at tiyaga ang pinuhinan talaga ni Niño, hanggang sa ito ay ma-promote. Ang taga pitas lang ng mais noon ay kumikita na ng P130,000 kada buwan. Kaya't hindi siya nag sayang ng panahon at nag ipon ito agad. Hanggang sa umabot sa P2.5 milyon ang naipon nito.

   (Photo: Credit to Kapuso Mo Jessica Sojo)

Ito ang ginamit niya upang makapag patayo ng kanilang dream house at sa pagpapakasal sa kanyang asawa.

Sipag, tiyaga, at dapat din marunong humawak ng pera. Walang imposible sa taong pursigido at may plano sa buhay. Manalangin din sa diyos para sa gabay.

Post a Comment

0 Comments