Paalala ng BIR tungkol sa pag-iisyu ng resibo

Ang pagbibigay ng resibo sa mga kostumer ay kinakailangan. Ito ang madalas na ipinapaalala ng (BIR) Bureau of Internal Revenue sa mga business establishment. Mandatory requirement ito na ipinapatupad ng (BIR) na obligasyon ng mga business establishment ang pag isyu ng resibo sa mga mamimili.


Sa kabila nito ay may mga establisimyento pa rin ang hindi sumusunod sa pag isyu ng resibo. May mga kostumer sa ilang mga hotel  establishment sa Maynila na nagrereklamo dahil umanoy hindi nag-iisyu ng resibo ang naturang hotel.


Kumikilos na ang Manila City Hall upang masiyasat ang isyu na ito ng  mga nirereklamon establisimyento. Posible daw umano na may mga paglabag sa batas ang mga ito sa naturang ordinansa ng city government, isang halimbawa na ang pagkawala ng permit.

Ayon pa sa BIR ay dapat lahat ng mga establisimyento ay may naka paskil na "Ask for Receipt" at sa mga hotel naman ay dapat mayroon silang registration book na required ng BIR.