Yorme Isko Moreno nagsalubong ang kilay sa nag vandal sa underpass

Nag salubong ang kilay ni Yorme Isko sa mga sumisira sa kagandahan ng lungsod ng Maynila. Katulad ng pag vandalize sa underpass kamakailan lang. Ayon pa kay Yorme Isko, kung mahuhuli niya ang mga nag-babandalismo sa naturang lungsod ay kanyang ipapabura ang mga isinulat nila gamit ang kanilang dila.


Sino ba naman ang matutuwa sa pag-dumi sa nililinis na lungsod. Pambabastos ng harapan ang ginagawa ng mga ito sa pamahalaan. Ginagawa ng alkalde ng maayos at tama ang kaniyang trabaho para maging maayos at malinis ang lungsod, pero may mga tao talagang pasaway.

Para sa bayan naman din ang mga ginagawa ng alkalde, bakit hindi na lang ito suportahan? ayon sa ibang netizen.


Umaksyon agad ang Department of Public Services at  Department of Engineering and Public Works (DEPW) upang mapinturahan agad ang bahagi ng underpass.

Humingi na ng public apology ang grupo na may gawa ng pagbandalismo sa ilang bahagi ng underpass. Giit pa ng grupong Panday Sining, kaya lang nila nagawa iyon upang mailabas lang nila ang kanilang saloobin.