Umiikot ngayon sa social media ang balitang muntik nang masagasaan ni Bianca Umali ang aktor na si Ruru Madrid. Nilinaw naman ito ng actor sa ginanap na Havana themed thanksgiving party ng GMA.
Ang napapabalita kasi ay dahil sa sobrang selos ni Bianca ay mu tik ng masagasaan si Ruru sa isang parking lot sa Makati. Ngunit itinanggi ito ng actor sa interview sa kanya.
“It’s better na lang ‘wag mag-comment kasi nga parang kung magco-comment ako, wala naman kasi nangyari talagang ganu’n.” pahayag ng actor.
Nalulungkot ang aktor sa mga mga balitang kumakalat sa social media. Pinaliwanag ng acktor na mas mabuti pa na huwag na lang umano itong pag-usapan, dahil may mga tao na nagmumukhang masama dahil sa mga maling balita.
May mga natuwa sa pag-lilinaw ni Ruru at meron din naman nadismaya. Magkasamang pumunta ng party ang rumored couple sa party at napaka sweet daw umano ng dalawa.
0 Comments