Stop, Look, Listen and Learn! Mga mahilig mag vape at paninigarilyo dapat sumunod sa ordinansa para iwas multa

Mahigpit na ipapatupad ni Mayor Calixto-Rubiano ang City ordinance 6061 na nagbabawal sa pag-gamit ng vaping device at paninigarilyo sa lungsod ng Pasay. Ipinagbabawal na ang pag vape at paninigarilyo sa mga pampublikong lugar.


Multa sa mga hindi sumunod:

• (Unang paglabag) 12 oras na community service o multa na P2,000

• (Pangalawang paglabag) 18 oras na community service o multa na P3,000

• (Pangatlong paglabag) 24 oras na community service o multa na P4,000


Ayon kay Mayor Rubiano ay paraan ito upang maprotektahan ang publiko lalong-lalo na ang mga kabataan sa mga masamang epekto dulot ng vaping at paninigarilyo.


Paliwanag pa nito na pwede naman payagan na mag vape at manigarilyo sa ilang lugar basta ito ay designated vaping area o enclosed places. Alinsunod sa ordinansa , ipinagbabawal ang paninigarilyo o mag vape sa opisina, eskwelahan, ospital, o sa anumang recreational facility.