Kakaibang twist and turns ang gagawin ni Direk Antoinette Jadaone sa kanyang gagawin na mala-Korean drama na serye nina James Reid at Nancy ng K-pop group na Momoland.
Challenging ang parating na seryeng ito para kay Direk Antoinette dahil may mga twist and turns ito na gagawin sa seryeng "Soulmate". Hindi ito ang unang collab ng pinoy at korean sa isang serye pero exited na ang mga netizen na umere ito.
“It’s a series because it’s 13 episodes. It’s not like how we do teleseryes na you do it per script every day, with a weekly script.” Pahayag ni Direk Antoniette sa isang panayam sa kanya.
“There is more control sa kung ano ang mangyayari sa bawat character sa story. But also mas mahirap siya, kasi I realize it’s not the same as writing a film script, a screenplay. It’s different, it’s harder to write a series pala.“
Hindi lang pag-didirek ang gagawin dito ni Direk Antoinette, dahil maging sa pagsulat ng script ay ginagawa din nito. Expect the unexpected ang maaasahan dito, sapagkat bawat araw ay pwedeng maiba ang takbo ng storya at kukunan ito sa South Korea. Nakaka exite ito ah.
Sa darating na 2020 inaasahan ang pag ere sa inaabangan na serye.
0 Comments