Maine Mendoza binati si Arjo Atayde sa kanyang kaarawan
Noong November 5, ay binati ng Eat Bulaga Host na si Maine "Yaya Dub" Mendoza ang actor na si Arjo Atayde sa kanyang ika 29 taon na kaarawan. Isang simpleng pagbati "Happy birthday [heart emoji]," ang ginawa nitong si Maine sa kanyang post na may larawan na magkasama silang dalawa.
Si Arjo ay anak ng isa sa magaling na actres sa pilipinas, na si Sylvia Sanchez.
Pahayag ni Arjo sa interview sa kanya ng Pep, "Characteristics I discovered in her? Madaming-madami, I fall in love with her every day, that's it. Very loving and caring,”
Kung natatandaan ninyo, nitong bagong pasok pa lang ng taong 2019 ay kinumpirma nitong si Arjo na sila ni Maine ay nag da-date na umano, at noong nakaraang Marso naman ay kinunpirma din naman ito ng dalaga. Maraming fans din ang nagulat sa balitang ito, pero marami din ang natuwa dahil suportado nila ang desisyon ng host/actress na si Maine.
0 Comments