Vape ban, bilyong piso ang mawawala

Vape ban, bilyong piso ang mawawala

P1.4 bilyon ang kinikita ng gobyerno taon-taon sa produktong vape. Nitong huli lang ay ipinag-bawal na umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag import at paggamit ng vaping device sa bansang Pilipinas.

Sabi pa ni Albay Rep. Joey Salceda ay susunod umano sila sa utos ng ating Presidente na ipag-bawal ang vape sa bansa, P1.4 bilyon daw ang mawawala sa pagpapatupad nito.


Maaari din naman paghugutan ng pondo ang mga fermented na produkto at distilled spirits, kaya hindi maaapektuhan ang Universal Health Care dito. Aniya.

“We can make up for it in the six tax measures I don’t think we will allow the UHC t obe jeopardized by the ban,” saad pa nito.


Sa final reading ay inaprubahan na ng Kamara de Representante ang karagdagang buwis na ipapataw sa mga produktong sigarilyo at alak.

Paliwanag pa ni Salceda, “No longer a tax issue… virtually ang gagawin namin dun all taxes on vape will be removed pati yung existing, kase may existing tax on vape ‘di ba? Aalisin na din namin ‘yun”

Post a Comment

0 Comments