"LOVE BRACELET" ni Gerald at Julia, pero hindi sila
Hindi talaga maiiwasan ang mga mata at tenga ng mga netizens sa sobrang mapagmasid ng mga ito. Papalakpakan mo talaga ang mga ito sa sobrang galing.
Katulad na lang ng mga nakitang larawan sa social media nina Gerald Anderson at Julia Barretto na magkapareho ang suot na bracelet. Madalas itong gawin ng mga magkarelasyon na tinatawag nilang "Love Bracelet o Couple Bracelet". Ngunit sa sitwasyon ng dalawa ay hindi natin masasabi, kasi pwede din naman itong "Friendship Bracelet" lang.
Kahit sabihin man natin na nagkataon lang na magkapareho sila ng nabiling bracelet. Hindi pa rin nila matatakasan ang mga mapaglarong isip ng mga netizen. Netizen is Netizen, mag kokomento ang mga yan kung ano ang nakikita nila.
May closure na ba kina Gerald Anderson at Bea Alonzo? Tanong ng ibang mga netizen. Mukhang wala pa naman napapabalitang may closure na ang dating magkasintahan.
Pumutok ang isyu ni Julia at Gerald bago pa man mangyari ang pag-aaway ng Barretto sisters.
0 Comments