Marami ang takot na hindi na ma-renew ang franchise ng ABS-CBN

Ayon sa isang grupo na nanawagan kay Pangulong Duterte na payagan nang ma-renew ang prangkisa ng ABS-CBN  at huwag ito idamay sa personal na hidwaan nito sa nasabing istasyon.


Ayon sa statement ng Defend Job Philippines, “The group tells President Duterte to resolve its rift with the ABS-CBN management in proper venues and must stop using the legislative franchise and the job security issue of ABS-CBN workers as hostages to his plans of going after the TV network.”


Gusto nilang ipaabot sa pangulo na kapag nag-sarado ang Kapamilya network ay marami ang mawawalan ng trabaho. Katulad ng mga regular employees, non-regular, at mga talents nito ay mawawalan din ng trabaho kapag hindi sila inaprubahan.

Inihayag ng Pangulo noong Disyembre 3, Martes, na huwag na raw umanong umasa ang ABS-CBN na ma-renew pa nito ang prangkisa sa darating na Marso 30,2020 (expiration ng prangkisa).