2022 presidential election -- Sarah Duterte hindi papayagan ng ama tumakbo

Maraming beses nang paulit-ulit na sinabi ng Pangulong Duterte na ayaw niya tumakbo ang kanyang anak na si Sarah Duterte-Carpio sa darating na eleksyon. Rason ng Pangulo, dahil sa dami ng katiwalian sa bansa kaya't ayaw niya itong tumakbo.


Ayaw lang ni Duterte na maging kawawa ang kanyang anak kapag ito ay kumandidato sa pagka-presidente dahil nakakasiguro ito na magiging target ito ng propaganda ng kalabang partido.

Saad din niya na except sa pagmamahal sa bansa at patriorism ay wala na itong makukuha sa pagiging presidente, maliban na lang kung gagawa ito ng katiwalian. But im sure na alam yan ng Pangulo na hindi gagawin ni Sarah ang maging tiwali kaya yun ang kanyang ikinatatakot dahil magiging mainit siya sa mata ng kalaban.


“Hindi ko talaga patakbuhin yang anak ko. I’m telling Sara now, again for the 9th time, do not run. Reason ko, maaawa ako sa iyo, anak kita." pahayag ng Pangulo.

“Kung matino ka, wala kang makukuha dito but the endless travel,”  sabi ng Pangulo.