Panis na kanin dapat iwasan -- Alamin ang  apat na paraan

Sa pagtatapos ng taon ay halos lahat ng bilihin ay tumaas, maging ang bigas ay hanggang ngayon ay medyo mataas pa rin ang presyo. Kaya naman sayang kapag ito ay na-bahaw o napanis lang. Mag saing lang ng sapat upang ang sobrang bigas ay mapapakinabangan pa sa susunod na saingan.


Nagbigay ng ilang tips si Secretary General ng Agham, Feny Cosico nitong Martes sa panayam sa kanya sa morning show na "Unang Hirit". Ayon sa kanya, tamang dami ng pag-saing at tamang gamit paggamit ng kaldero sa pagluluto.


 1.  Tamang dami ng tubig lang ang ilagay kapag nag-saing at kapag pansin niyo na luma ang bigas ay pwede niyo dagdagan ng konting tubig upang maging malambot ito. Siguraduhin na nahugasan ng maayos ang bigas.

2. Linisin o hugasan muna ang kaldero bago ito saingan. Isang senyales din kapag madalas ang pagkapanis ng inyong kanin ay ang problema sa ginagamit niyong saingan. Kaya mainam kung medyo dalasan ang pagpapakulo sa gamit na kaldero upang mamatay ang mga microbyong sanhi ng pagkapanis ng kanin.


3.  Maari din lagyan ng suka ang inyong sinaing. Ang suka ay isang preservative. Pwedeng isa o dalawang kutsarang suka ang ilagay sa inyong sasaingin. Pero dapat kontrolado din ang paglagay nito upang hindi maapektuhan ang lasa ng sinaing.

4. Kapag luto na ang kanin ay mas mabuti kung iangat ang takip nito upang makasingaw ang sinaing. Bakit kailangan iangat ang takip? Dahil isa ang "moisture" sa sanhi ng pagkapanis ng inyong sinaing na kanin.