Main Mendoza, naaliw sa kakwelahan at kakulitan ni Harlene "Hipon Girl" Budol

Ibinahagi ni "Yayadub" Maine Mendoza sa kanyang Facebook account ang pagkikita nilang dalawa ni "Hipon Girl" Harlene Budol na makakasama din nila bilang 'guest' sa kanilang comedy show na " Daddy's Girl."


Natuwa ang mga dabarkads ng "Eat Bulaga" sa energetic na character ng host ng  "Wowowin." Kwela ang kakulitan at tila hindi napapagod itong si Harlene na magbigay saya sa mga tao sa paligid niya.

Saad pa ni "Yayadub" Maine Mendoza, "Sobrang kuwela siya talaga, nakakaaliw!"


Dagdag pa ni Maine, "Sabi niya sa 'kin uma-absent pa daw siya before kapag malapit sa kanila 'yung 'Sugod-Bahay', pero lagi daw ako wala. Sabi ko naman, tingnan mo ngayon ikaw na yung guest namin dito sa show! Bongga!"

Ito na ba ang umpisa ng acting carreer ni Harlene? Magsasama rin ba ang dalawa sa pelikula? Who knows?! Kung dati nga pangarap lang ni Harlene na makita si Maine, pero ngayon, guest pa siya sa comedy show kung nasaan si Maine.