Relax at malaki ang tiwala na mapapataob ni "The Filipino Flash" Nonito Donaire Jr. si Naoya Inoue sa darating nilang laban. May mga balita din na kumakalat na ina-idolized daw ni Inoue si "The Filipino Flash" at maging ang istilo nito ay ginagaya din ng Hapon.
Magkaparehong teknik ba ang makikita natin sa kanilang darating na laban?
Malayo ang agwat ng edad ni Donaire at Inoue, sampung taon ang agwat ng dalawa at dahil dito kaya't tiwalang-tiwala si "The Flash" na mapapataob niya ito, dahil sa tagal at haba ng experience nito sa pagboboxing.
Ani Donaire “If he plans to box, that’s not Inoue”
“Offense is his go-to thing. He’s aggressive, he goes all out, targets the body, throws a lot of punches. He has a good arsenal. Fighters don’t change. They do what they’re used to. I’m expecting Inoue to attack because that’s his style.” dagdag pa niya.
Kung karanasan ang pag-uusapan ay tiyak na lamang itong si "The Flash," sa record na 40-5 at 26 KO's. Kaya't nakasisigurado siya na madudungisan niya ang no loss record ni Inoue.
“We have studied Inoue closely, looking for tendencies, breaking down his style. I’d rather wait for fight night. That’s when I’ll see what he’s really got and I’ll do what it takes to win,” saad pa niya.
0 Comments