Hindi tipo ni Ruffa ang sumawsaw sa away ng magkapatid na Barretto

Hindi tipo ni Ruffa ang sumawsaw sa away ng magkapatid na Barretto

Kamakailan lang ay may netizen na nagtanong kay Ruffa tungkol sa relasyon nila ni Claudine Barretto kung maayos ba ito. Wala umano siyang kaaway sa showbiz industry paglilinaw ni Ruffa Gutierez.


Kung natatandaan ninyo na nagkomento itong si Ruffa sa larawan na pinost ni Julia at naging dahilan ito upang maungkat muli ang issue na "Take it, Take it Scam" na noong 1994 pa nangyari sa Manila Film Festival.


Kung tutuusin, nadamay lang siya ng dahil sa pagkomento sa nasabing larawan. “For the record, Claudine has always been sweet, polite, and kind to me and my family.” ayon kay Ruffa.


Dahil sa pagdawit ni Gretchen Barretto kay Ruffa, ay uminit ang ulo ni Annabelle Rama na nagsabi na kahit sino pa ang kakalaban sa kanyang anak ay handa siyang makipag-away. Ganon kung ipagtanggol ni Annabelle ang kaniyang anak. “It’s not worth it. Pero kapag lumalaban siya, continue pa rin ako. Hindi naman ako magpapa-under maski kanino ano,” saad ni Annabelle.


Sa ngayon ay tahimik naman si Gretchen tungkol sa birada sa kaniya ni Annabelle. Pero kung mag-iingay ulit ito gaya ng pag dawit niya kay Ruffa ay tiyak na magsasalita ulit si Annabelle upang ipagtanggol ang anak nito.

Post a Comment

0 Comments