California Wildfire nakatanggap ng malaking donasyon galing kay John Cena
Naglabas ng malaking halaga itong si John Cena upang makatulong sa pagsugpo ng apoy sa California Wildfires. $500,000 ang inilaan ng WWE superstar para dito.“Right now, California is in dire straits. It is burning. It is under siege from massive wildfires statewide,” sabi niya mula sa video sa TMZ.
Nasabay na din dito ang pag promote ng kanyang bagong pelikula na isang comedy film na ang pamagat ay "Playing with Fire". Ito ay tungkol sa mga bumbero na ilalabas ngayong Nobyembre. Dahil sa pelikulang "Playing with Fire" ay mas lalo niyang na-appreciate ang mga bumbero sa kanilang pagsugpo sa mga apoy. Kaya nito naisipan na mag-donate sa nagaganap na Wildfire sa nasabing lugar.
“On behalf of ‘Playing With Fire’ and out of respect to the people who I truly believe are heroes, my response will be to immediately donate $500,000 to this cause.” saad pa ni John Cena.
“In times like this, when people are giving their lives and working around the clock, what they need from us is resources.” dagdag pa niya.
0 Comments