Kabaitan ni Rico Yan hanggang ngayon hinding-hindi makakalimutan
Marami pa din ang patuloy na inaalala ang yumaong actor na si Rico Yan. Hindi lang bilang isang magaling na aktor kundi isa rin siyang mabuting kaibigan, anak, at kapatid. Isa si Marvin Agustin sa nag post noong kaarawan nitong si Rico at napakaraming netizen ang natuwa sa post ng Negosyanteng Actor na si Marvin Agustin.
44 years old na ngayon si Rico kung nabubuhay pa ito at siguradong napaka successful na nito ngayon bilang isang negosyante at actor. Naging malapit na magkaibigan itong si Marvin at Rico noong nagkasama sa isang series na Gimik, isang teen series na pumatok noong 1996 hanggang 1999. Nagkasama din sila sa noontime show na MTB , Flames, Gimik the movie, at Whattamen noong 2001.
Ibinahagi din ni Marvin na dahil umano kay Rico Yan kaya siya nagsimula na mangarap na maging isang negosyante, Naimpluwensyahan kasi siya sa hilig na pag-nenegosyo nitong si Rico Yan. Isang patunay na "Good Influence" itong si Rico noong siya ay nabubuhay pa.
"Happiest birthday my brother… hinding hindi ko makakalimutan ang mga saya at kalokohan natin. Lalo na ang friendship at kabutihan mo. Im sure mas nag-eenjoy ka dyan sa langit! Love you bro! #RY."
“Ako naman patuloy na nag-aartista at nagnenegosyo. Masaya ako sa mga narating namin, madami pa pangarap pero may saya at payapa na isip at puso.”
0 Comments