Ang pag buwelta ni Annabelle Rama kay Gretchen Barretto
Ang patama ni Gretchen Barretto kay Ruffa Gutierez ay nagpainit ng ulo ni Annabelle Rama. Natural na reaction naman yan ng isang Ina, kapag may kumanti sa kanilang anak ay tiyak na ipag-lalaban nila ito.
Sinariwa kasi uli nitong si Gretchen ang isyu tungkol sa Metro Manila Film Fest scandal na nagyari pa noong 1994. Luto kasi ang pagka-panalo nitong si Ruffa Gutierez ng award na Best Actress. Na kung tutuusin ay limot na ng karamihan sa mga netizen iyon.
Nag umpisa sa isang comment kaya nagpa tutsada itong si Greta kay Ruffa. May comment kasi itong si Ruffa na hindi nagustuhan ni Greta.
Nananahimik sina ni Ruffa at Annabelle tungkol sa isyu ng Barretto sisters at wala naman masamang ginawa ang anak nito kaya bakit idinawit, ayon kay Annabelle Rama.
“HaHaHa! Kawawa ka naman. Halos wala ka ng kakampi. Halos buong mundo, isinusumpa ka,” ayon kay Annabelle.
Uminit talaga ang ulo nitong si Annabelle, kasi naman bakit daw nagalit itog si Greta sa comment ng kanyang anak na si Ruffa. hindi naman masama mag comment, ayon kay Annabelle.
Dagdag pa nito na mas dapat daw si Greta mainis sa mga taong nagpapakalat ng larawan nila ni Atong Ang.
0 Comments