Binaril sa ulo ang rapper na si Lil John. Dead on the spot ang biktima.

Rapper na si Ross Delos Santos na mas kilala sa hip-hop name na Lil John, patay ng pagbabarilin noong linggo ng hapon sa Barangay Carsadang Bago 1, Imus City sa Cavite. Dead on the spot ang nasabing biktima.


Naisugod pa siya sa ospital ng imus pero hindi na siya inabutan ng buhay sa ospital. Ayon kaynPolice Lt. Col. Jumar Alamo,nasa harap lang ng isang tindahan itong si Lil John na nakaupo lang umano sa motorsiklo ng barilin sa ulo.

Sa isang Facebook page ay nag post ang FlipTop Battle League mensahe ng pakikiramay para sa biktima.


"Sa kabila ng ginagawa namin sa entablado, at sa kabila ng kahit anong di mapagsangayunan ng mga kasapi nito, may special unspoken bond talaga lahat ng emcees at hiphop, lalo't mula sa indibidwal at kolektibong pinagdaanan at pinaghirapan para sa kultura natin, para sa naging kung ano siya ngayon," ayon sa grupo.


"Kaya sobrang bigat, sobrang lungkot... Mula sa buong FlipTop, lahat ng nakasama mo sa hiphop, at lahat ng napasaya at nainspira mo sa battle rap..." dagdag pa ng FlipTop.

May nakuha naman na dalawang basyo ng bala sa lugar ng pamamaril, ayon sa mga pulis. Isa sa mga battle emcees itong si Lil John ng FlipTop League.

Post a Comment

0 Comments