"Arestado pero walang kaso" Isang lalake ang hinuli dahil sa pag vape, pinakawalan lang muli
Kamakailan lang ay opinag bawal na ang pag-gamit ng anu mang vaping device sa pang publikong lugar. Isang lalake ang hinuli sa Lucena ng dahil sa pag vape. Ngunit pinakawalan lang ito dala ng walang maisampang kaso laban sa lalake.
Nakaupo ang nasabing lalake sa labas ng convinience store habang nagpapa-usok nang matiyempuhan ito ng mga rumorondang pulis sa Barangay 1 Quezon Avenue.
Agad itong dinala ang nasabing lalake sa himpilan ng pulisya at kinumpiska ang gamit nitong vape. Ginawan umano ng blotter ang lalake ngunit pinakawalan lamang ito dahil sa kakulangan ng kaso. Wala rin naman sa batas ang pag bawal sa vape.
Ang pagka aresto sa lalake ay alinsunod lamang sa ipinag uutos ng Pangulong Rodrigo Duterte na arestuhin ang mga gumagamit ng vaping device sa pampublikong mga lugar. Concern lang ang Pangulo sa kalusugan ng mga mamamayan kaya niya ito ipinag-babawal.
0 Comments