Mga taong may diperensya pwedeng magka-trabaho sa "Starbucks"

May outlet na ang Starbucks sa Penang, Malaysia na ang nagpapatakbo ay may mga diperensya sa pandinig. Pang apat ito na signing store sa mundo at sa Penang makikita ang kakabukas lamang na coffee shop.


Nagbukas ng kauna-unahang signing store ang Starbucks noong 2016 pa. Ginawa nila ito upang mabigyan ng opurtunidad ang mga may diperensya sa pandinig. Sa facebook page ng Penang Starbucks nila  inihayag ang grand opening ng nasabing signing store.

“Our second Signing store in Penang is officially in motion and brewing! Penangites, share the good news and enjoy a unique experience of our Starbucks Signing Store,” ito ang post ng cofdee shop sa kanilang facebook page.


Nakipag-partner ang kilalang coffee shop sa Penang Deaf Association upang matiyak nila na magiging matagumpay ang kanilang proyekto. Nagbigay naman ng saloobin ang pangulo ng Penang Deaf Association na si Razman Tan Abdullah, sinabi pa nito na 'masaya siya sa oprtunidad na ipinagkaloob sakanila ng nasabing coffee shop.

Ayon naman sa Website ng Starbucks ay malaking bagay na mabigyan ng professional training ang mga empleyado nito.