Bea Alonzo hindi pa handang makipag relasyon
Happy at naka move on na si Bea Alonzo mula sa hiwalayan nila ng dati niyang nobyo na si Gerald Anderson.
Ayon sa actress, "Tapos na ako doon, okay na ako," she told ABS-CBN and other reporters during the press conference for the movie Unbreakable on Wednesday, November 20. "Okay na ako, saka sobrang daming blessings ang dumating. Parang nag-360, parang ang daming dapat kong ipagpasalamat and na-realize ko ang dami pa palang mas importante sa buhay ko, hindi lang dyowa."
Noong Agosto ay pumutok ang balita na pinag-palit ni Gerald ang actress sa mas bata na si Julia Barretto, ngunit itinanggi ito ng dalawa. Sabi pa ng actor, na hindi na healthy ang kanilang relasyon ni Bea.
Maging ano pa man ang storya sa likod ng isyu ay naka move on na itong si Bea Alonzo at mukhang focus muna ito sa mga darating na projects for her.
0 Comments