Mala fog na usok ng vape, ganun na kalabo ang pag-gamit nito sa pampublikong mga lugar

Nakatikim ng tapik ang mga pasaway na vapers na taga Central Visayas. Umabot sa bilang na 184 ang mga nasita ng kapulisan doon at 230 naman na e-cigarrette ang nakumpiska sa operasyon na kanilang isinagawa.

Inumpisahan ito ng mga kapulisan noong ipinag-utos ni Preaidente Rodrigo Duterte na ipagbawal na ang paggamit ng vaping device sa mga pampublikong lugar.


Hindi naman din inaresto ang mga nasitang gumagamit ng vape, ngunit kinumpiska ang mga vaping device na bit-bit ng mga ito  na nakatakda din namang sirain. Ayon kay Police Brig. Gen. Valeriano De Leon ng Central Visayas regional police chief.


Pinaalala pa nito na masama sa para sa kalusugan ang usok ng sigarilyo at vape, hindi lamang sa mga gumagamit nito kundi pati na rin sa mga taong hindi naninigarilyo. Cancer, Lung problem, at heart disease ang mga makukuha ng mga smokers kapag hindi sila tumigil.

Umapela din ang opisyal na dapat irespeto din ang karapatan ng mga tong hindi naninigarilyo.