Atletang Pinoy dapat suportahan, lalo na sa paparating nilang mga laban

Sa halip na magsisihan sa kapalpakan na nangyayari ngayon at mga pag gasta sa paghahanda sa parating na SEA Games 2019, mas dapat na bigyan ng suporta ang mga atletang Pinoy. Hinihikayat ni Sen. Bong Go ang lahat upang suportahan ang manlalarong Pinoy.


Mas higit na kailangan ngayon ng mga atletang Pinoy ang moral support, malakin tulong ito upang makasungkit sila ng mga medalya. Sa halip na mag-sisihan, bakit hindi na lang mag tulungan. Mas maganda kung mas palalakasin pa ang loob ng ating mga manlalaro kesa mademoralize ang mga ito.


Nangako si Sen. Bong Go na papaimbestigahan niya ang  mga isyu tungkol sa isyu na umiikot sa social media na 'over spending'. Hinihintay lang na matapos ang gaganaping SEA Games na ang Pilipinas ang mag ho-host. “Kahit na piso lang ang nawala diyan sa pondo ay iimbestigahan ko, dahil iyan ay pera ng taongbayan,”  saad ni Go.


Kapag napatunayan  na mayroon nga nagbulsa ng pondo ay tiyak na mapaparusahan ito. Pero ngayon ay dapat magkaisa muna ang lahat sa pagbigay suporta sa mga manlalarong Pinoy.