Weight lifter Hidilyn Diaz, kasama sa SEA games opening

Kasama si 2016 Rio Olympics silber medalist Hidilyn Diaz sa napakagandang openin ceremonies ng Southeast Asian Games na magsisimula sa katapusan ng Nobyembre. Siya ang magbibitbit ng watawat ng Pilipinas.


Nailabas na rin ng (PSC) Philippine Sports Commission ang final list ng mga magiging flag bearer sa biennial meet at tatagal ito ng dalawang linggo.

Nauna ng lumabas sa listahan ang mga pangalan nina Margielyn Didal, Nesthy Petecio, Maggie Ochoa, EJ Obiena, Eumir Marcial, at Kiyomi Watanabe.


Si eight division world champion ng boxing naman ang napiling torchbearer na si Manny Pacquiao kasama si world gymnast champion Carlos Edriel Yulo.

Para sa kaalaman ng iba, si Carlos Yulo ang nagkamit ng gintong medalya sa ginanap na FIG World Artistic Gymnastic Championship na ginawa sa Stuttgart, Germany ilang buwan lang ang nakalipas.


Para naman sa mga atleta na pambato ng Pilipinas ay lahat sila ay naka focus na masungkit ang ginto. May masungkit man o wala, proud ang bansa sa inyong lahat.