Mga bata magandang sanayin na maging hilig nila ang pagbabasa

Mga bata magandang sanayin na maging hilig nila ang pagbabasa

Bakit mahalaga ang pagbabasa? Dahil dito ay nagkakaroon sila ng mas malalim na pag-uunawa at malawak na pag-iisip. Ang 'ultimate goal sa pagtuturo sa mga kabataan ng pagbabasa ay upang maging mapanuri ito sa kanilang mga binabasa, ayon sa eksperto.


Naiuugnay kasi ng isang mapanuring mambabasa ang kanyang mga binabasa sa ginagalawan nitong mundo at sa kanyang sarili.  Pero hindi madaling turuan ang mga bata na maging mahilig sa pagbabasa, lalo na ngayon maraming distructions at isa na ang gadgets at telebisyon.


Kahit naman habang nasa sinapupunan pa ang bata ay maaari na itong basahan o kwentuhan ng magulang ng isang 'short story' araw-araw. Dahil sa kakabagot ang mga babasahin na puro lamang letra ang nakikita, mas mainam na bigyan sila ng mga babasahin na may mga larawan katulad ng komiks o fairytail books.


Mas maganda kapag nasanay silang magbasa gamit ang libro kesa sa gadget. Ang gadget kasi ay nakakasira sa ating mata lalo na't kapag nag babad sa gadget.

Post a Comment

0 Comments