Matapos sa Davao, Angel Locsin dumiretso agad patungong Cotabato

Matapos sa Davao, Angel Locsin dumiretso agad patungong Cotabato

Matapos ni Angel Locsin maibahagi ang kanyang tulong sa mga biktima ng lindol sa Davao City ay bumiyahe agad ito patungong Cotabato. Nakakataba ng puso ang ginagawang pagtulong ng actress sa ating mga kababayan na nangangailangan.


Natanaw ang actress sa Makilala North Cotabato na namimigay ng mga relief goods para sa mga nabiktima ng lindol kamakailan lang. Talagang mahirap ang maging biktima ng lindol lalo na't nadurog ang inyong tahanan dahil sa lindol.


Marami ang talagang nagpapasalamat sa actress dahil sa pagbigay niya ng atensyon sa mga nabiktima ng naganap na lindol.


Ange Locsin, mataas na ang nilipad at malayo na ang kanyang narating. Pero sa kabila nito ay nananatili siyang simple at matulungin sa kapwa. Makikita talaga samga larawan na nag-eenjoy ang actress sa kanyang ginagawa. Talagang nakakatuwa at nakakabilib!


May mga nagbalak na mag interview sa actress tungkol sa ginagawa niyang pagtulong ngunit tinaggihan niya ito.

Post a Comment

0 Comments