Barretto Sister's "Tug of War"

Barretto Sister's "Tug of War"

Hindi pa natatapos ang away ng Barretto Sisters, maging ang kanilang  ina na si Estrella "Inday" Barretto ay nadadawit na din. Kung mag bati-bati na lang kaya?


Kamakailan lang ay nakitang may mga post ang tatlo na larawan na kasama nila ang kanilang ina. Kung iyong titignan ay parang kasundo nila si Estrella Barretto (Ina ng Barretto Sisters).  Nitong Linggo ay nag post itong si Marjorie Barretto ng Larawan kasama ang kanilang ina.

Matapos noon ay nag post naman itong si Estrella sa kanyang instagram account. Na kanya naman  nilinaw na umanoy ginagamit lamang siya ng anak na si Marjorie bilang damage control sa away nilang magkakapatid.


Nitong Lunes, November 4, ay si Claudine Barretto naman ang nag post ng larawan kasama ang kanilang ina at si Greta. Sa post na ito ay marami talagang netizen ang nagtaka, dahil ang dating ay parang pang publicity lang ang kanilang ginagawa. Maging ano pa man ito ay ang kanilang ina ang naiipit dito. Siyempre hindi din maiiwasan ang mga netizen sa pag komento na tila maiinggit umano si Marjorie sa larawan ng dalawa kasama ang ina.


Hindi nila mapipigilan ang mga netizen na magkomento tungkol sa kanilang issue, maging positibo man ito o negatibo. May nag komento pa nga na dapat daw na hindi na sinasama ang ina sa kanilang kadramahan.

Post a Comment

0 Comments