Nasungkit ng Sorsogon ang Guinness World Record sa folk dance

Nasungkit ng Sorsogon ang Guinness World Record sa folk dance

Hindi mahulugan ng karayom sa dami ng mga taong nagpartisipa sa pagsayaw ng Filipino folk dance sa Sorsogon at dahil dito ay swak na swak sila sa Guinness World Record. Umabot ng 7,000 katao ang sumayaw at naka suot ng tradisyonal na kasuotan habang sumasayaw ang mga ito ng sabay-sabay. Kahit na umulan ay tuloy pa rin ang mga ito.


Noong Huwebes, Octubre 31 nila nasungkit ang World Record. Binigay ang kabuuang bilang ng mga mananayaw kay GWR official adjudicator Swapnil Dangarikar na umabot ng 7,127 katao ang lumahok sa 30 minutong sayaw. Ito ang nagsilbing Highlight sa Pista ng Kasanggayahan.


Maging sina Sorsogon Governor Chiz Escudero at ang misis nitong si Heart Evanghelista-Escudero ay lumahok din sa pag sasayaw.

Ayon  kay Escudero, “The award goes to each and everyone, in fact, it is more than a record because we showed unity,”


“If we can do this, then there is no excuse for us, as Sorsoganons, not to be able to move together and united in one direction to achieve the dreams and aspirations of our people,” dagdag ni Escudero.

Post a Comment

0 Comments