Ruffa at Gretchen issue - Annabelle mas mabuti pa ang tahimik

Ruffa at Gretchen issue - Annabelle mas mabuti pa ang tahimik

Kilala naman ng lahat itong si Annabelle Rama, isang palaban na babae, mapagmahal at responsableng asawa at ina sa kanyang mga anak. Naalala niyo la noong nagsalita ito tungkol kay Greta ng dahil dinamay umano nito ang kanyang anak na si Rufda Gutierez sa away nila ng magkapatid na Barretto.


Siyempre kahit sinong Ina ay talagang pro-protektahan ang kanilang anak kapag ito ay kinanti ng sinuman. Pero talagang nakakabilib din ang pagiging malumanay niya ngayon. Kung dati ay hindi ka nito titigilan hanggang hindi ka nalalatigo ng todo, pero ngayon ay talagang 'wow'. Dahil jan maraming nrtizens ang napabilib nito.


Ngayon kahit na marinig niya ang pangalan ni Gretchen ay parang balewala na lang sa kanya. Malumanay ang pagsagot niya noong tinanong siya kung nagalit ba ito noong dinawit ang anak nito, aniya “Siyempre naman, hindi naman siya kasama sa ‘fresh’. Iba naman ang pinagsabihan ni Ruffa, bakit siya naman ang sumagot? Hindi tama ‘yon.”


Pero siyempre, nakabuti din naman ang hindi pagsagot ni Greta sa birada sa kanya ni Annabelle. Sabi pa nga ni Annabelle, kung hindi siya titigil ay sasagutin at sasagutin niya ito.

Post a Comment

0 Comments