Ariel gustong maihi nang makita si Digong
Unang pagkakataon pa lamang ni Ariel na makaharap ang Presidente. Kaya kinabahan ang komedyante nang na-meet niya sa personal si Pangulong Duterte. May pelikulang niluluto itong si Ariel, "Kings of Reality Show" kasama ang kanyang partner na si Maverik. May special appearance dito ang pangulo kaya't dinayo talaga niya sa MalacaƱang Palace si President Duterte.
Saad pa ng komedyante, “Si Senator Bong Go ang naging tulay ko, bale tinulungan niya lang ako nang nalaman niya itong project kong ito”.
Kaya't noong na-meet na ng komedyante ang pangulo ay nakaramdam siya ng kaba at sabi pa niya ay hindi daw niya maintindihan kung maiihi ba siya o ano ba talaga. Pero natutu2a talaga siya sa pagkakataong makaharao ng personal ang Pangulo.
Dagdag pa ni Ariel, "actually, nang nakita ko si Presidente, tuwang-tuwa talaga ako. Parang dream come true iyon, eh. And dito sa pelikulang ito, in flesh mapapanood nila si Presidente.”
Napagsama dito ni Ariel si Pres Duterte at former Senator Antonio Trillanes sa pelikula. For the record, First time na nangyari ito.
Makakasama din nila sina Mayor Isko Moreno, Mayor Sarah Duterte-Carpio, Sen. Manny Pacquiao,Eddie Garcia, Joey de Leon, Coco Martin, Jose Manalo, Raffy Tulfo, Empoy Marquez at abangan niyo na lang ang marami pang surpresa. Mapapanood ito sa darating na November 27.
0 Comments