Issue tungkol sa muntik ng pagsagasa ni Bianca Umali, Ruru mas pinili ang manahimik

Wala naman daw nangyaring pagsagasa at pag-aaway sa kanila ni Bianca Umali ayon kay Ruru Madrid noong siya ay tinanong kamakailan lang.

Ayon sa actor, “Well, siguro sa akin ‘wag na lang mag-comment. Kasi bakit pa ako magko-comment, e, wala namang nangyari talagang ganun. So, yun na lang. Kung baga shut up na lang ako."


Nag umpisa kumalat ang balita noong premiere ng pelikulang "Cara X Jagger" kung saan ay si Jasmine Curtis ang gumanap na partner ni Ruru at dahil doon ay nag-selos daw itong si Bianca kaya't muntikan na nitong sagasaan ang actor.

ayon sa actor, “Para sa akin, I think it’s better na ‘wag na lang nating pansinin at siguro kung may nangyari mang ganun dapat siguro mas pina-private o mas tinatago na lang.”


“Nakakalungkot kasi bakit may lumalabas pa na mga ganung bagay. Para sa akin kasi, firstly, may mga taong maapektuhan at may mga magmumukhang masama. Pero wala naman talagang nangyaring ganun. So, it’s better na ‘wag na lang pong pag-usapan”