Ayon kay Sen. Bong Go ay personal umanong humingi ng tawad si Speaker Allan Peter Cayetano kay Pangulong Duterte dahil sa mga aberiya sa SEA Games.
Maging pati dayuhang kalahok ay kanya-kanyang post sa social media ng mga naranasang aberiya.
Pagdating ng Pangulo sa Phil. Arena noong opening ceremony ng SEA Games ay personal na lumapit si Cayetano at humingi ito ng tawad. Ayon kay Go.
Sabi pa ni Go, “Pagbaba pa lang ni Pangulo sa sasakyan, humingi siya (Cayetano) ng paumanhin sa mga pagkukulang at mga konting kapalpakan. Sabi niya, hopefully Mr. President, makaraos tayo at maayos lahat ng ito after the opening.”
Nakabawi din naman si Cayetano kahit papaano, dahil maganda din naman ang opening ng SEA Games. Pero, hindi ibig-sabihin na matatakpan na nito ang nangyaring kapalpakan. Iimbistigahan pa rin ito pagkatapos ng Southeast Asian Games.
Dagdag pa ni Go, “Kung kailangan talaga na magkaroon tayo ng imbestigasyon, kung nagamit ba sa tama at walang nasayang na pondo na ibinigay sa Southeast Asian Games, mahalaga malaman ng bawat Pilipino na wala bang nasayang ni piso.”
0 Comments