Manikang inereklamo kay Raffy Tulfo dahil ginawang ginawang kasambahay ang Personal Assistant nito

Pinagbintangan umano na magnanakaw ang PA ng actress na itatago natin sa pangalang "Manika," tagalog ng kanyang tunay na pangalan. Nang dahil sa hiya ng Personal Assistant nito ay nagsumbong ito kay Raffy Tulfo.

Mapapanood ang actual na pag-reklamo sa video ng Raffy Tulfo in Action at ipinakita doon ang blurred na larawan ngunit sa pag-iimbistiga ng mga netizen ay napag-alaman na ang naka blurr na photo ay si Barbie Imperial.


Mas lalong natuldukan na si Barbie nga yun noong tinawag ito ng kanyang PA na 'manika' at iba pang hint na makikita niyo sa video.

Nag-reklamo si Annalaine Revilla, dating PA ng actress, hindi lang daw PA ang kanyang trabaho dahil pati buon bahay at ulitmo labada ng kapatid na lalake nito ay siya rin ang gumagawa.


Almost 12hrs daw ang trabaho ni Revilla kapag may mga shoot ang actres, ok lang sana kung maayos din ang bayad. Ang mali kasi, all around na nga si Revilla pero ang sahod nito ay nasa 7,000. Mababa iyon sa minimum wage sa Metro Manila.

Pero tiniis yun ng PA, napuno lang ito noong pinagbintangan na siyang magnanakaw ng actress. Sa huli ay napagkasunduan  g dalawang panig na magka-ayos at babayaran ng actress ang kulang sa kanyang sweldo.