Consumer dismayado sa lagay ng ekonomiya

Consumer dismayado sa lagay ng  ekonomiya

Hingalo ngayon ang ekonomiya sa bansa dahil sa hindi pagtaas ng sahod, ngunit patuloy ang pagtaas ng mga presyo ng bilihin. Talagang nakakadismaya dagdag pa ang kakulangan pagdating sa trabaho.


Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) nababawasan na ng kumpyansa ang mga consumer sa ekonomiya sa Pilipinas. Isang buwan na sahod, pagdating sa grocery isang kembot lang abot kalahati o halos mangalahati na agad ang sahod ng mga average workers.

Ginagawa ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang Consumer Expectations Survey quarterly at ang pinakabagong survey record ay itong octubre 1-12 gamit ang master sample ng Philippine Statistic Authority (PSA).


Dahil sa takbo ngayon ng ekonomiya, maging ang mga mayayaman ay u ti-u ti na rin nawawalan ng kumpyansa dito.Kasama sa survey ang 5,648 nationwide household sa survey ng BSP na sumasalamin sa mga nararamdaman ng mga tao tungkol sa naturang issue.

Sana sa pagpasok bagong taon ay maging maayos at bumuti na ang ekonomiya.

Post a Comment

0 Comments