Skeletons sa closet ni Quiboloy sumingaw! Rape at human trafficking ang kasong kinahaharap ngayon!

Noong Disyembre 20, Biyernes ay ipinag-utos ng Davao City Prosecutor's Office na dapat sagutin ni Pastor Apollo Quiboloy kasama ang kanyang limang alepores ang tungkol sa kasong  isinampang rape at human trafficking  na isinampa ng 22 anyos na dalaga.


Ito ay dati ring kasapi sa pinamumunuang religious group ni Quiboloy ang Kingdom of Jesus Christ (KJC). Kasama sina Jackielyn Roy, Pauline Canada, Sylvia CemaƱes, Cresente Canada, at Ingrid Canada.

Binigyan lamang sila ng sampung araw ng korte upang sagutin ang kasong isinampa laban sakanila ni Blenda Sanchez Portugal, 22 anyos. Ayon pa sa dalaga, ang ama niya ang nagpakilala sa kanya kay Quiboloy noong siya ay 10 taong gulang pa lamang. Dati ring miyembro ng KJC ang ama ng naturang dalaga.


Nag-umpisa siyang gawan ng kahalayan ni Pastor Apolly "Stop" Quiboloy noong siya ay 17 taong gulang na habang siya ay iskolar ng nasabing religious group.

Ang masaklap pa nito ay ilan sa mga miyembro ng grupo kasama na si Ingrid Canada ang nagsabi sa kanya na sundin lamang ang mga ipag-uutos ni Quiboloy dahil ang lahat daw ng inuutos ni Quiboloy ay "Father's will."