OFW MAG-INGAT BAKA MASINDIKATO, TRABAHO NA IBIBIGAY SA 'DUBAI' ANG GINAGAWANG PAIN

OFW MAG-INGAT BAKA MASINDIKATO, TRABAHO NA IBIBIGAY SA 'DUBAI' ANG GINAGAWANG PAIN

Pinahigpitan na ang pagsala sa mga Pilipino na bibiyahe papuntang Dubai. Ipinatupad ito sa utos ng Bureau of Immigration kaya't doble higpit ngayon ang mararanasan ng mga biyaherong pinoy papuntang Dubai.

Base sa mga ulat, ginagamit daw ng mga sindikato ang Dubai pang akit sa mga Pilipinong gustong magtrabaho sa ibang bansa. Kapag nakarating na ang mga kawawang trabahador sa Dubai ay doon na sila ipapadala papuntang Iraq. Nakakalungkot pero nangyayari talaga ang ganito.


Kaya naman inilabas ni Bureau of Imigration Jaime Morente ang kautusan matapos silang maalerto ng (DFA) Department of Foreign Affairs tungkol sa ganitong stilong recruitment ng mga sindikato sa social media. Pinagbabawal na kasi ang pag deploy ng mga Pinoy OFW sa Iraq kaya't ganito na ang ginagawa ng sindikato.


Kayat huwag maniwala kapag may makita kayo sa social media na inalis na ang deployment ban papuntang Iraq. Mas mabuting dumiretso kayo sa DOLE o DFA kung kayo ang may mga katanungan o naghahanap ng mga legit na agencies papuntang abroad.


Ayon sa direktiba ni Jaime Morente, “Immigration officers are directed to exercise extra vigilance in clearing the departure of Filipino travelers bound for Dubai, particularly those who are departing as tourists, and make sure that they are not going to other foreign destinations in order to work”

Post a Comment

0 Comments