Dimple Romana, unang pinagtapos ang mga kapatid
"Kadenang Ginto" Daniela Mondragon click na click sa mga televiewer. Dimple Romana binaha ng mga endorsements. Ilan lang dito ay ang skin Magical skin care products. Kasabay ng pag tatak ni Daniela ang pagdami ng mga blessings na bumubuhos sa kanya.
Naging in-demand endorser ang actress kahit na ito ay may asawa at dalawang anak na at ito ang bagay na talagang kanyang pinasasalamatan. God is really good! Mahal na mahal talaga siya ng mga manonood kahit na kontrabida ang kanyang role.
Kumuha ng Tourism course si Dimple sa UST kaso hindi lang niya natapos dala ng pagkasunod-sunod ng kanyang mga TV projects at inuna muna niyang pinaaral ang kanyang mga kapatid hanggang sa makatapos. Sa ngayon ay ang bunso na lang nila ang nag-aaral. Kaya't kung mabibigyan siya ng pagkakataon ay gusto rin niyang matapos ang kursong kinuha at magka diploma.
Magandang blessings talaga ang natanggap ng actress. Unang-una na doon ay pag-bless sa kanya ng Panginoon, pagkakaroon ng super suportive na asawa at dalawang anak.
Ipagpapatuloy pa rin ni Dimple ang kanyang pag-aaral kapag naging medyo maluwag na ang kanyang schedule. Pinasok na rin niya ang pagiging isang entrepreneur kaya balak niyang kumuha ng Business Administration o Management.
0 Comments