Alam natin na maraming magagandang isla sa Pilipinas na magandang puntahan. Isa na ang isla ng Boracay na itinuturing tourist destination, maging ang mga lokal ay dumadayo rin dito. Pero alam niyo ba na may isang Isla na kasing-ganda rin ng Boracay?
Yes! Tama ang pagkabasa niyo. Ang islang ito ang ang Carabao Island, isang uprising Island na hindi imposible na magig isang tourist destination rin sa hinaharap. Kilala ang islang ito bilang Hambil na pinamamahalaan sa ilalim ng San Jose, Romblon. Mayroon din itong white sand beaches at limestones formation.
Pahayag ni Ronnie Samson, Mayor ng San Jose, “Our vision here in Isla de Carabao, while we cannot compete with Boracay, we strive hard to improve the island and if possible best Boracay on development and preparation of the island (for the influx of tourists).”
Noong 2018 ay 17,000 na turista ang naitalang bumisita sa isla, ngunit nahigitan ito nitong 2019 sa loob lamang ng tatlong buwan ay 30,000 ang naitalang mga turistang dumating dito.
0 Comments