Lolit parang pangalawang ina ni Bong Revilla

Kamakailan ay binatikos ni Lolit Solis ang reaksyon ng Kapuso actress na si  Janine Gutierez tungkol sa pagbabalik ni Bong Revilla sa telebisyon. Ngunit nagpaliwanag rin naman ito kung bakit ganoon ang kaniyang naging reaksyon.

Nag post si Nanay Lolit sa kanyang Instagram account noong Dec. 21 na alam niya kung papaano ang pakiramdam ni Lotlot de Leon sa pagkanti niya sa anak nito, dahil ganun na ganun din ang kanyang naramdaman noong nabasa niya ang pag-tira ni Janine kay Bong Revilla ng komentong "Oh God" laban sa senador.


Hindi naman ito pinatagal pa ni Nanay Lolit dahil humingi rin ito ng tawad bandang huli.

Sabi pa ni Nanay Lolit, “I know iyong feeling ni Lotlot de Leon sa IG post ko about Janine Gutierrez. Iyon exactly ang naging feeling ko nang mabasa ko ang bashing kay Bong Revilla after ng reaction ni Janine na OMG at di ko kaya. I don’t intend to belittle, dishonor Janine, dahil like what Sandy de Leon said, mabait, magalang, at lumaking dalaga na ipagmamalaki ng kahit sinong magulang.”


Dagdag pa nito, “Tulad ni Lotlot de Leon na nasaktan dahil sa anak niya na si Janine Gutierrez, para din akong isang ina kay Bong Revilla na nasaktan din. But now, at least I know na never matatanggap ni Janine Gutierrez si Bong Revilla. I respect that, I admire her for being open with her feelings. Sorry Lotlot. Case closed.”