Pero pagkatapos ng 'The Generals Daughter' ay kakailanganin daw muna niya ng pahinga. Malaking timbang din ang nawala sa kanya at mag papagaling na din ito before aayusin ang kanyang kasal.
"So after The General's Daughter, ayusin ko muna yung health ko uli sa dami ng binagsak ko and also papagaling muna ulit ako and then aayusin ko yung kasal ko.”
To be clear, aayusin lang niya ang kasal and hindi ibig sabihin ay mawawala na ito sa pinilakang tabing. Nagpasalamat din ito sa Dreamscape sa tiwala na binigay sa kanya sa pag ganap ng astig na role.
"Nung time na iyon parang hindi pa ako dapat magtratrabaho pero nung nakausap ko si Sir Deo [Edrinal], pinagkatiwalaan niya ako. Maraming-marami salamat talaga. Siya lang nagitwala sa aking na gumawa ng action kasi lahat takot eh. So siguro naman na prove ko na naman na kaya ko pa."
"Kung ano ang ginagawa ng mga kalalakihan, kayang-kaya gawin ng mga kababaihan."
0 Comments