Carlos Yulo balak mag hakot ng gintong medalya

Matinding training at focus ang ginawa ng 19 anyos na si  Carlos Yulo bago niya masungkit ang ginto sa World Artistic Gymnastic Championships sa bansang Germany. Noong qualifying round ay nasa ika 7th place si Yulo. Pero! Nakabawi ang 19 anyos sa finals sa halos 'flawless' niyang routine na 15.300 ang nakuha niyang score.


Kumpara sa kanyang mga kalaban ay siya ang pinakamaliit. Ngunit hindi ito naging hadlang sa kanya upang makakuha ng gintong medalya.

Matinding pag dasal din ang isa numero unong sandata niya kaya't ayun, naka score siya ng 15.300. Hindi siya binigo ng panginoon.


Kung babalik tanawin natin noong 2018 ito ay nabigo, pero mas nagnporsigi ito at bumalik upang mag training  kay coach Munehiro Kugimiya sa Japan.


Pangalawa si Carlos Yulo sa pilipinong atletang nag qualify para sa Tokyo 2020 Olympics na kung saan ay plano din niyang makuha ang ginto. Sa sobrang tuwa ni Gymnastics Association Of The Philippines president Cynthia Carreon na nagbunga ang ilang taong sakripisyo sa training ni Yulo.


“The way I prayed amazing Caloy Yulo also prayed we were praying and declaring. I was praying to his guardian angel to carry him,” saad ni Carreon.
Bago bumalik sa training ang 19 anyos na si Yulo ay uuwi muna ito ng pinas bago mag handa para sa Southeast Asian Games.

Post a Comment

0 Comments