Hitmaker Paolo Santos, sumali sa Tawag ng Tanghalan

Napakilig din ba kayo ng kantang nag hit noon na "Moonlight Over Paris" ni Paolo Santos? Well, sinu ba naman ang hindi. Siya ay nag babalik ngayon, noong Biyernes ay sumali siya sa Tawag ng Tanghalan celebrity edition.


Isa siya sa apat na celebrity na lumahok sa singing contest ng 'It's Showtime'. Kasama sa lumahok ay sina Apple Chiu, Tuesday Vargas, at Jojo Abellana.


“Hanggang ngayon, gumagawa ako ng kanta. Iyan po ang pinagkakaabalahan ko ngayon. Music has always been my life,” saad pa ng singer-songwriter na si Paolo Santos na  tinagurian din "King of Acoustic". Isa din siya sa mga nagpasikat ng mga lokal music scene sa pinas.


“I’ve never been nervous after a long, long time,” saad niya pagkatapos niyang mag perform. “Ito na yata ‘yung, in the last 10 years, pinaka nakakatakot!”


Hindi nga lang niya nakuha ang champion title dala ng nakuha ito ni Chiu. Pero ang atensyon ng mga hurado ang kanyang nakuha sa ganda ng performance nito, kasama ang punong hurado na si Dulce.



Post a Comment

0 Comments